PatrolPH

Residential area, tinupok ng apoy sa Quezon City

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2023 07:46 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Magkakatabing bahay na gawa sa light materials ang tinupok ng apoy sa Toctocan Street, sa boundary ng Barangay Apolonio Samson at Barangay Masambong sa Quezon City. 

Nagsimula ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago mag alas dos ng hapon, at tuluyang naapula alas sais bente. 

Sa lawak ng lugar, nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy. Kinailangan din gumawa ng butas sa ilang pader upang maipasok ang mga hose ng tubig. 

Agad nagsilikas ang mga residente kasama ang mga alagang hayop sa gilid ng kalsada at sa ilang bakanteng lote. 

Apat na miyembro rin ng isang pamilya ang nasagip ng Philippine Red Cross matapos ma-trap sa nasunog na bahay.

Inirereklamo rin ng ilang residente ang isang matagal nang kinukumpuning kalsada na dahilan umano para mahirapan ang mga bumbero na agad marating ang mga nasunog na bahay. 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagsimulan ng apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.