Ang Philippine Charity Sweepstakes Office headquarters sa Mandaluyong City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MANILA — Napanalunan ng isang mananaya ang P25.4 milyong jackpot prize ng 6/42 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.
Solong natamaan ng nasabing mananaya ang winning combination na 31 -41-29-25-20-08.
Noong Enero 22, napanalunan din ng isang mananaya ang P29.7 milyong jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto matapos matamaan ang 03-44-10-13-23-11 na kombinasyon.
Enero 20 naman nang mapanalunan ng isang solo bettor ang P49.5 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto matapos tamaan ang winning combination na 24-39-31-19-42-13.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.