MAYNILA - Dalawang maswerteng mananaya ang maghahati sa mahigit P73 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa isinagawang draw nitong Miyerkoles, 2 ang nakakuha sa P73,481,247.20 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na may winning combination na 37-29-42-21-27-05.
Bigo namang mapanalunan ang mahigit P29 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 40-08-45-06-23-41.
Nito lamang Martes, may maswerteng mananaya rin ang nakakuha sa P25.4 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42.
Noong nakaraang linggo, may isa ring nanalo ng P29.7 milyong jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto at sa P49.5 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PCSO, Philippine Charity Sweepstakes Office, Mega Lotto 6/45, jackpot, Tagalog news