Inalis na ng lokal na pamahalaan ng Aklan ang rekisitong negative RT-PCR test result para sa mga papasok sa isla ng Boracay.
Sa Executive Order no. 001-A na inilabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores ngayong Martes, nakasaad ang pag-alis ng negative RT-PCR test result bilang rekisito sa pagpasok sa isla ng Boracay para sa mga fully vaccinated na turista.
Ayon sa EO, simula Pebrero 1 ay hindi na kailangang magpakita ng negative RT-PCR test result ang lahat na mga turistang fully vaccinated na gustong magbakasyon sa isla.
Kailangan lang kumuha ng QR code sa pamamagitan ng Online Health Declaration Card (OHDC) at magdala ng vaccination card.
Para sa mga hindi bakunado at hindi fully vaccinated ay kailangan parin ang ang negative RT-PCR test result 72 hours bago ang pagpasok sa Boracay.
Matatandaan na ayon sa EO ni Miraflores, epektibo January 9, 2022 ay naging rekisito ang negative RT-PCR test result sa lahat na mga turista na papasok sa Boracay matapos isailalim sa Alert Level 3 ang lalawigan at ang National Capital Region dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19.
- ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Aklan, Boracay, COVID-19, coronavirus, Boracay entry requirements, Tagalog news