Arestado ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Daet, Camarines Norte matapos siya umano mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang operasyon nitong Linggo.
Ayon sa pulisya, nahuli sa buy-bust operation nila sa Brgy. Matnog sa bayan ng Basud ang 35-anyos na suspek matapos niya bentahan ng isang pakete ng shabu ang kanilang undercover operative.
Isang pouch na naglalaman ng nasa 7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P18,000 ang nasabat mula sa kaniya.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng suspek.
— Ulat ni Karren Canon
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.