Presyo ng ilang pork, chicken products sa NCR pinatawan ng price cap

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2021 02:47 PM | Updated as of Feb 01 2021 09:53 PM

Magbababoy sa Quezon City. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA – Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ang pagpapataw ng price ceiling para sa ilang produkto ng baboy at manok sa National Capital Region (NCR) para mapigilan ang pagsirit ng presyo nito sa merkado.

Sa ilalim ng Executive Order 124, itinakda ang presyo sa kada kilo ng pigue/kasim sa P270, habang ang liempo ay dapat hanggang P300 lang ang kada kilo. 

Ang manok naman ay hanggang P160 lang kada kilo. 

Tatagal ang EO nang 60 araw. 

Maaalalang ang Department of Agriculture (DA) ang unang humirit ng price cap dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng karneng baboy, na isinisisi sa pagkalat ng African swine fever.

Watch more in iWantTFC

Gayunpaman, ilang grupo ng hog raisers ang pumalag sa suhestiyon dahil lalo lang daw malulugi ang mga magbababoy.

–Mula sa ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.