PatrolPH

J. Fajardo Bridge sarado dahil sa 7 buwang reconstruction

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2021 07:34 PM

MAYNILA — Sinara simula ngayong Lunes ang J. Fajardo Bridge sa Sampaloc, Maynila, sabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Isinara ang tulay para bigyang daan ang 7 buwang replacement at reconstruction nito.

Target ng DPWH na matapos ang proyekto sa Setyembre.

May habang 14 metro at lapad na 11 metro ang nasabing tulay.

Dahil sa reconstruction, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Ang mga papunta sa Ramon Magsasay Boulevard ay maaaring dumaan sa Vicente Cruz at D. Tuazon. Kung patungo naman ng España Boulevard, maaaring dumaan sa Lacson Avenue.

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.