PatrolPH

3 tiklo sa pamemeke ng NBI clearance

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2021 07:54 PM

MAYNILA – Dalawang lalaki at 1 babae ang naaresto nitong Lunes ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Organized Transnational Crime division dahil sa pamemeke ng mga clearance mula sa ahensiya. 

Nabuko ito ng NBI dahil sa isang lalaki na nagtangkang bumili ng motor na nagpresinta ng pekeng NBI clearance. 

Kasama kasi sa requirement ngayon sa pagbili ng motor ay ang NBI clearance. 

Dahil sa insidente, inalam ng NBI kung saan nagpagawa ng NBI clearance ang lalaking bumibili ng motor. 

Doon, naaresto nila sa entrapment operation sina Jay Tinio, Abigail Pascua, at Jojo Delim, na pawang mga fixer sa Recto.

Ayon sa mga suspek, P1,500 ang singil nila sa mga parokyano, at P1,000 dito ang kanilang naibubulsa. 

Nakatakdang kasuhan ng falsification of public documents ang mga suspect.

–Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.