PatrolPH

3 arestado sa riot sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2021 12:17 PM | Updated as of Feb 01 2021 01:18 PM

3 arestado sa riot sa Maynila 1
Mga patalim na nakuha sa isang lalaking sangkot sa riot sa Tondo, Maynila. Retrato mula sa Manila Police District

Arestado ang 3 lalaki matapos masangkot sa riot sa Tondo, Maynila, sabi ngayong Lunes ng pulisya.

Isang concerned citizen ang nag-report sa mga pulis ukol sa riot sa kanto ng Jose Abad Santos Avenue at Yuseco Street bandang alas-3 ng madaling araw.

Watch more News on iWantTFC

Nagrarambulan pa ang grupo ng mga kabataan nang maabutan ng mga pulis.

Nang kapkapan ang mga nahuling sangkot sa gulo, nakuha umano sa isang alyas “Tokwa,” 19 anyos, ang 2 patalim.

Dinampot si “Tokwa” kasama ang 2 pang lalaki.

Bagaman walang iniulat na nasaktan sa gulo, sasampahan umano ng kasong alarm and scandal ang tatlo.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.