Lalaki, arestado dahil sa pananaksak sa nakaalitang kapitbahay

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 06:09 AM

Kalaboso ang isang 26 anyos na lalaki matapos nitong sasakin ang nakaalitang kapitbahay sa Quezon City.

Nakakulong na sa Batasan Police Station ang suspek na kinilalang si alyas Archie na residente ng Republic Ave. Barangay Holy Spirit.
 
Ayon sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Jomar Pallado, nagkaroon ng pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan ang suspek at biktima na kinilalang si alyas Moody, 27 anyos, isang call center agent. 

Gamit ang isang gunting, bigla na lang umanong pinagsasaksak ng suspek ang biktima. 

Agad isinugod sa ospital ang biktima.

Ikinasa ang follow-up operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District Station 6 kung saan nahuli sa tinutuluyang apartment ang suspek. Nakuha mula rito ang gunting na ginamit sa pananaksak.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.