Babae, arestado sa droga sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 06:11 AM

Arestado ang isang 35 anyos na babae matapos makuhanan ng mga hinihinalang droga sa Barangay Talon Kwatro, Las Piñas.

Ayon kay Police Col. Segundo Lagundi, hepe ng Las Piñas Police, sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga pulis ang bahay ng suspek matapos makakuha ng impormasyon sa umano'y ilegal na gawain ng babae.
 
Matapos ang ilang minutong pagtitingin, nakita sa bahay ng suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000.

Hawak na ng mga awtoridad ang mga droga para sa chemical analysis, habang ang suspek ay inaresto na at nasa Las Piñas Police Custodial Facility.-Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.