2 lalaki, arestado sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 06:09 AM

Sa kulungan ang bagsak ng 2 lalaki matapos silang makuhaan ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Cirilo Calencia Jr., nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Galas Police na target si alyas Florencio, 50 anyos.
 
Sa kanto ng BMA St. at Kaliraya St. sa Barangay Tatalon, napagkasunduan na makipagkita ng suspek. Isang pulis ang nagpanggap na buyer ang bumili ng P500 halaga ng shabu mula sa suspek.

Agad na hinuli si alyas Florencio matapos ang transaksyon. Timbog din si alyas Danilo, 42 anyos matapos siyang maaktuhang bumibili rin ng ilegal na droga mula sa target.

Nakuha mula sa mga suspek ang 4 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P68,000.-Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.