1 Belgian, 3 Pinoy arestado sa buy-bust operation sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 05:47 AM

Arestado ang isang Belgian at 3 Pinoy matapos masabat sa kanila ang P500,000 halaga ng hinihinalang ecstasy at high grade marijuana sa buy-bust operation ng Taguig Police.

Ayon Police Capt. Ariel Ilagan, katransaksyon nila online si alyas Jake para bilhan ng ecstasy.

Sa isang mall sa Taguig nakipagkita ang poseur buyer, at si alyas Anne ang nag-abot sa kanila ng inorder. Itinuro ni alyas Anne si alyas Jake, na itinuro naman si alyas Mike bilang middleman.

Dito sinabi ni alyas Mike na isang Belgian na lalaki ang kanilang boss, na kalaunay naaresto at nakuhaan ng mga sachet ng kush.

Ayon kay Ilagan, sa mga resealable na pakete ng chewing gum at iba pang pagkain itinatago ang mga droga.

Aminado ang Belgian na gumagamit siya ng kush para sa kanyang sleep disorder, pero itinangging sa kanya ang ecstasy at siya ang source ng party drugs, taliwas sa pahayag ng tatlong Pinoy na suspek.-Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.