Naagnas na bangkay natagpuan sa tabing-dagat sa Ilocos Norte

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 12:02 AM

PAGUDPUD, Ilocos Norte - Bangkay na nang matagpuan ang mangingisdang si Reygie Manaday, residente ng Claveria, Cagayan nitong Martes.

Natagpuan ang bangkay sa batuhan sa tabi ng dagat sa Barangay Balaoi, Pagudpud, Ilocos Norte.

Una itong nakita ng mga mangingisda sa Barangay Balaoi.

Ayon sa Pagudpud Police Station, Enero 23 nang tumaob ang bangka nito habang nangingisda sa Claveria.

Malakas umano ang hangin nang mangyari ang insidente.

Payo ng PAGASA at Coast Guard na sumunod sa kanilang gale warning.

Huwag nang pumalaot sa dagat kung may taas na 3 hanggang 5 metro ang alon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.