Bangkay ng lalaking biktima ng 'salvage', natagpuan sa Iloilo City

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 03:03 PM

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaking natagpuang patay sa Iloilo City. Cherry Palma, ABS-CBN News

ILOILO CITY – Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa circumferential road sa San Jose Arevalo sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakitang may saksak ang biktima at naka-balot ng duct tape ang mga kamay nito.

Ayon kay PO3 Jessie Genterola, itinawag sa kanila ng mga tanod ang nadiskubreng bangkay ng lalaki na posibleng sa ibang lugar pinatay at doon lamang itinapon sa lugar.

Samantala, nakarekober naman ang Scene of the Crime Operatives ng isang resibo ng remittance center sa bulsa ng biktima.

May nakalagay umanong mga pangalan sa naturang papel pero sisiyasatin pa ito ng awtoridad para malaman ang pagkakakilanlan sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.