ALAMIN: Presyuhan sa Dangwa 2 linggo bago ang Valentine's Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 05:25 PM | Updated as of Feb 01 2019 05:49 PM

 

Pumasok na ang buwan ng Pebrero kaya marami nang nag-aabang sa pagdiriwang ng Valentine's Day sa Pebrero 14.

Sa Dangwa, Maynila nitong Biyernes, sinabi ng mga tindera ng bulaklak na wala pa masyadong paggalaw ang presyuhan nila. 

Ang mga bouquet ng sari-saring bulaklak, mabibili mula P350 hanggang P900, depende sa laki.

Ang red roses, sa ngayon ay nasa P500 ang isang dosena, habang P350 naman kada dosena ang white at pink roses. 

May mga tinatawag din ang mga tindera na Chinese roses na P120 kada piraso.

Ang sunflowers naman ay nasa P100 ang kada piraso, habang ang Malaysian mums ay P120 kada bundle.

Sa mga may budget, P2,500 ang bundle ng tulips, at P3,000 naman ang bundle ng Ecuadorian roses. 

May mga nauuso din ngayong bouquet ng mga stuffed toys, na mabibili sa P1,000 kada isang set.

Normal pa ang mga presyo na ito ayon sa mga tindera, at tantiya nila ay bandang Pebrero 10 pa tataas ang bentahan ng bulaklak.


—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.