3 magkakaanak, huli sa QC drug session

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 04:52 AM

MAYNILA - Arestado ang 3 magkakaanak matapos mahuli sa isang drug session sa loob ng kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City.

Sinalakay ng mga pulis ang lugar dahil sa impormasyon na nagtutulak ang mag-asawang suspek.

Tumambad sa mga pulis ang 2 pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Inamin ng lalaking suspek na gumagamit siya ng shabu. "Para hindi antukin sa biyahe, sa trabaho, 'yun lang," aniya.

Itinanggi naman ng kaniyang misis na sangkot ito sa ilegal na gawain.

Dadalhin ang kanilang mga anak sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa East Ave. naman, timbog ang 2 magkaibigan sa buy-bust operation. Nakuhanan sila ng isang pakete ng umano'y marijuana.

Kakasuhan sila sa paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.