3 batang magkakapatid, sugatan sa sunog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2019 03:58 AM

Jervis Manahan, ABS-CBN News

MAYNILA - Sugatan ang 3 batang magkakapatid matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay 144, Bagong Barrio, Caloocan City Biyernes ng hatinggabi.

Ayon kay Brian Pascual, barangay chairman ng lugar, nagtamo ang mga bata ng third-degree burns sa iba't ibang parte ng katawan.

Natabig na kandila ang hinihinalang sanhi ng apoy lalo na at walang kuryente sa bahay. Natutulog ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Hindi naman agad nakalabas ang mga bata dahil nakakandado mula sa labas ang kuwarto nila. Umalis ang kanilang ama para bumili ng pagkain.

Umabot sa unang alarma ang sunog at naapula pasado alas-12 ng hatinggabi. Tinatayang nasa P15,000 ang halaga ng pinsala ng sunog. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.