Punong barangay, arestado sa raid sa South Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 04:45 AM

Arestado ang isang punong barangay sa bisa ng search warrant sa Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang hinuli na si Pudi Ambalgan. Narekober mula sa kanya ang dalawang kalibre .45 na baril, isang carbine, at iba't ibang uri ng bala.

Ayon kay Supt. Maximo Sebastian Jr., pinuno ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 12, nasa listahan umano si Ambalgan sa high-value targets ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Protektor din umano si Ambalgan ng ilegal na droga, dagdag niya.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition si Ambalgan matapos wala itong maipakitang dokumento sa mga baril na natagpuan ng mga operatiba. - ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.