Presyo ng bulaklak sa Dangwa, nakaambang tumaas

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 06:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaasahan ang dagsa ng mga mamimili sa mga tindahan ng bulaklak ngayong Pebrero, lalo pa at papalapit na ang pagdiriwang ng Valentine's Day.

Bagaman wala pang galaw sa ngayon, nakaambang magkaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bulaklak na ibinebenta sa Dangwa Flower Market sa Sampaloc, Maynila sa linggong sakop ang Pebrero 14.

Kasalukuyang nasa P50 kada stem at P300 kada dosena ang presyo ng roses. Posibleng tumaas ito sa P80 hanggang P100 kada stem at P600 kada dosena. 

Nasa P180 naman ang kasalukuyang presyo ng kada stem ng Ecuadorian roses pero aakyat ito sa P250 sa linggo ng Valentine's Day.

Ang presyo ng kada 10 stem ng gerbera, na kasalukuyang nasa P180, ay magtataas sa P250.

Kung ang sunflower ay nasa P100 kada stem ay madadagdagan ito at aabot sa P150 hanggang P200 kada stem.

Ang kada 10 stem naman ng carnation ay tataas sa P250 mula sa kasalukuyang P180.

Kasalukuyang nasa P120 ang presyo ng kada stem ng tulips ngunit inaasahan itong tataas sa P150 hanggang P180. 

Ang stargazer naman na nasa P150 kada stem ay aakyat sa P200 hanggang P250 kada stem sa linggo ng Valentine's Day. -- Ulat ni Tina Marasigan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.