Hotel sa Boracay, nilamon ng apoy

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2018 10:02 AM | Updated as of Feb 01 2018 10:47 AM

Nilamon ng apoy ang Nami Private Villas Resort sa Boracay Island, Enero 31, 2018. Ligtas namang nailabas ang lahat ng guests at manggagawa sa resort. Photo courtesy of RB Bachiller

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang pinagmulan ng apoy na sumiklab sa isang hotel sa Boracay, Miyerkoles ng gabi.

Bandang alas-10 ng gabi nang magsimula ang sunog sa Nami Private Villas Resort sa Sitio Diniwid, Barangay Balabag.

Nailikas naman ang hotel guests at personnel bago pa man lumaki ang apoy.

Agad din rumesponde ang Bureau of Fire Protection at Boracay Fire Rescue and Volunteers.

Ayon kay Fire Inspector Lorna Parcellano, fire marshal ng BFP Malay, naging malaking hamon para sa mga bumbero ang pag-apula ng apoy dahil nasa bundok ang resort.

Nagdeklara ng fireout ang BFP, ala-12:53 Huwebes ng madaling araw.

Tinatayang umabot sa mahigit P20 milyon ang pinsalang idinulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.