MUSCAT - Patok na tambayan sa mga Pinoy tuwing weekend ang Oman Club dahil sa basketball tournament na inorganisa kamakailan ng Oman Pinoy Basketball League (OPBL) sa pakikipagtulungan ng Al Azim LLC.
Matapos kasi ng dalawang taon, balik normal na ang lahat ng mga aktibidad sa Oman tulad ng sports. Labing isang team ang lumahok sa liga na nagmula sa iba-ibang kumpanya sa Oman.
Ayon sa OPBL, inorganisa nila ang torneo upang makapag-exercise at may mapaglibangan ang mga Pinoy matapos ang mahigit na dalawang taon ng pandemya. Layunin din ng torneo ang magbigay ng tulong sa Omani charity.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Oman, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
PANOORIN ANG BUONG ULAT: