KUWAIT - Nagluluksa ang buong Filipino community sa Kuwait sa sinapit ng OFW na si Jullebee Ranara na ginahasa, pinatay, at sinunog pa.
Iisa lang ang apela ng mga Pilipino rito sa Kuwait ang mabigyan ng tunay na hustisya ang pagkamatay ni Ranara at mabigyan ng sapat na proteksyon ang lahat ng mga OFW sa bansa.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Kuwait, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
PANOORIN ANG BUONG ULAT: