'Malaking pantasya': Lawmaker slams govt's touting of GDP growth

RG Cruz, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2023 02:09 AM

A lawmaker has criticized the Philippine government for touting the growth in the country's gross domestic product, citing the hardships of ordinary Filipinos.

"Isang malaking pantasya ang ipinagmamamalaking paglago ng gross domestic product ng gobyerno dahil hindi ramdam ng mamamayang Pilipino ang paglagong ito. Mataas na presyo ng serbisyo at mga bilihin ang pangunahing idinadaing ng sambayanan ngayon. " Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas said in a privilege speech Monday afternoon.

"Instead of fooling the Filipino people, the Marcos Jr. administration should first address the dire conditions of Filipino women and the people. The government must provide direct cash aid and production subsidies, and must direct the implementation of a substantial and urgent wage increase. Mr. Speaker, dagdag-sahod ang kailangan para malamnan ang mga sikmurang kumakalam, hindi dagdag-pantasya para pagtakpan ang kawalang aksyon sa hinaing ng taumbayan." Brosas added.

In her speech, Brosas noted that official government statements on the 7.6 percent full year GDP growth for 2022 did not cover the country's sluggish recovery from the pandemic.

"Kumbaga, kung matarik ang pagkalaglag ng bola, natural na mataas ang pagtalbog nito. Ganito ang base effect, Mr. Speaker, na sinasalamin ng 7.6% GDP growth nitong 2022. Ayon sa IBON Foundation, bunsod lang ng muling pagbubukas ng ekonomiya pagkatapos ng napakatagal at malupit na lockdown ang naturang paglago at hindi ng anumang pang-ekonomyang interbensyon ng gobyerno," Brosas said.

Brosas also said that the GDP growth did not mean growth for local production.

"Sa katunayan, pinatutunayan ng patuloy na paglago ng wholesale and retail trade sector ang patuloy na pagtatambak sa Pilipinas ng sobra-sobrang produktong pangkonsumo mula sa ibang bansa. Ang sinasabing paglago naman sa manupaktura ay nangangahulugan ng paglago pa rin ng mga produktong pang-export at hindi mapapakinabangan ng mamamayang Pilipino," Brosas said.

Brosas also pointed out that the agriculture sector remains weak.

"Sinasalamin ng patuloy na paghihingalo ng sektor ng agrikultura ang kawalang suporta ng gobyerno sa ating mga magsasaka at mangingisda. Napakataas ng presyo ng mga produktong agrikultura sa mga pamilihan sa huling kwarto ng taon. Nakita natin ito sa pagtaas ng presyo ng sibuyas, asukal, gulay at iba pang produkto. Sa kabila nito, walang sapat na tulong at hindi pinakinggan ng gobyerno ang panawagang subsidyo ng ating mga magsasaka. Bagkus, importasyon ang palaging solusyon ng administrasyong Marcos Jr. sa bawat pagtaas ng presyo ng mga bilihin," Brosas said.

She also noted a poll showing over 12.9 million Filipinos who consider themselves poor.

"Despite the growth in GDP that the Marcos Jr. administration boast of, 12.9 million Filipinos considered themselves poor based on Social Weather Stations (SWS) survey conducted from December 10 to 14, 2022. This is a 700,000 increase since Pres. Marcos Jr. assumed position in June 2022. Tumaas din ang implasyon sa 8.1 porsyento noong December 2022, pinakamataas na implasyon mula Nobyembre 2008. Umabot ng 5.2 porsyento o 2.68 milyong Pilipino ang walang trabaho noong nakaraang Agosto. Kasabay nito, P570 lamang ang minimum na sahod sa National Capital Region at mas mababa pa sa ibang mga rehiyon," Brosas said.

Brosas also noted the looming oil price hike.

"Bukas, nakatakdang magtaas sa ikatlong sunud-sunod na beses presyo ng mga produktong petrolyo – na tiyak na magdudulot ng panibagong bugso ng taas-presyo sa presyo ng mga batayang bilihin. Mr. Speaker, may big-time price hike din sa presyo ng LPG na nagbabadya na P9.50 kada kilong pagtaas. Nangangahulugan ito ng mahigit P100 na pagtaas na presyo ng 11-kg na LPG tank, ibig sabihin lampas P1,000 na muli ang magiging presyo ng tangke ng LPG. Hirap na hirap na ang mga pamilyang Pilipino, pati na rin ang mga maliliit na negosyo’t karinderya na bugbog na bugbog na sa taas-presyo," she added.