MANAMA - Para mas makilala ang Filipino food products sa Bahrain at lumawak ang kamalayan tungkol sa pagkaing Pilipino, nakipag-partner kamakailan ang Philippine Embassy Manama sa Carrefour sa Oasis Mall sa Juffair, Bahrain para sa ‘Pinoy Market’ noong January 25-28, 2023.
Manama PE photo
Tampok ang Filipino food products na hindi lang patok sa mga Pilipino sa Bahrain kundi unti-unti na ring nagugustuhan ng mga Bahraini. Nasa display ang mga banana ketchup, sardinas, suka, patis, corned beef, bagoong, chichirya, instant noodles, powder seasonings at iba pa.
Ang Carrefour ay isang French multinational retail at wholesale corporation na may operation sa Bahrain.
Pinasinayaan ang ‘Pinoy Market’ sa isang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan nina Philippine Charge d’ Affaires Anne Jalando-on Louis at Mohammad Ismail Khatib, ang General Manager ng Carrefour Bahrain City Center.
Manama PE photo
Ang Carrefour ‘Pinoy Market’ ay isa sa promotional activities na ibinida ng Philippine Embassy para sa Philippine Festival na bahagi naman ng paggunita ng ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine-Bahraini diplomatic relations.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Bahrain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.