Naghihintay ng masasakyang jeepney ang mga commuter sa isang loading bay sa Maynila. George Calvelo, ABS-CBN News/file
Aarangkada na sa mga pampasaherong jeepney ang Service Contracting Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation ngayong taon.
Sa halip na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, napagpasyahang diskwento sa pamasahe sa mga jeepney ang mai-aalok ng gobyerno sa mga pasahero.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III, ipatutupad ang diskwento hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.
“Hindi na ho namin maipatupad ‘yong libreng sakay to its fullest extent. Kulang po ang pondo at marami pong gustong mag-avail,” paliwanag ni Guadiz.
Ihahanda ng LTFRB ang fare matrix kung paano ang computation ng diskwento sa mga jeep.
Target itong maipatupad sa kalagitnaan ng Pebrero kung maibibigay na ng Department of Budget and Management ang pondo sa LTFRB.
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Libreng Sakay, Department of Transportation, LTFRB, Atty. Teofilo Guadiz III, discounted fare, commute, tagalog news