PatrolPH

Technician na nagbirong magpapasabog ng granada timbog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2022 02:27 PM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang isang telecommunications technician sa Davao City matapos umano itong magbirong pasasabugin ang isang granada sa checkpoint nitong Linggo.

Ayon sa Task Force Davao, habang papasok ng Davao City ang 42 anyos na lalaki, bigla itong nagsabing may granada siya sa kaniyang bag.

Tinanong umano nito ang mga tauhan ng task force kung gustong pasabugin niya ang granada at ihagis ito sa gitna ng daan.

Bagaman walang granadang nakuha mula sa lalaki, inaresto pa rin siya sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.

— Ulat ni Cheche Diabordo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.