MAYNILA - Arestado ang 9 na drug suspek sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Maynila nitong Sabado.
Ayon sa Manila Police District, 6 ang nahuli ng Ermita Police Station sa Quirino Avenue sa Malate. Tatlong babae at tatlong lalaki ang nahuli, kabilang ang ilang magkakamag-anak.
Nakuha sa kanila ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.
Sa Sampaloc naman, 2 lalaki ang nahuli kabilang ang isang nasa drugs watchlist.
Ayon sa Sampaloc Police Station, may nagsumbong sa kanila na concerned citizen ukol sa ginagawang ilegal ng mga suspek.
Nakuha sa dalawa ang 7 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P47,600.
Sa Tondo, nahuli ng Moriones Police Station ang isang 50-anyos na lalaki na may dalang 2 sachet ng droga sa Sta. Margarita Street.
Lahat ng mga drug suspek ay nakakulong na sa mga Police detention facilities.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Manila, drugs, buy bust, Manila drugs, Manila Police District, MPD, metro news, PatrolPH, illegal drugs, anti-drugs operation, anti-illegal drugs operation