Puerto Princesa, hihilingin na ihinto ang mga flight mula Hong Kong dahil sa 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2020 04:26 AM

Hihingilin ng Puerto Princesa City government sa pamunuan ng isang airline company na ihinto muna ang mga direct flight mula Hong Kong papunta sa kanilang siyudad dahil sa novel coronavirus (2019-nCoV). 

Kinumpirma nitong Huwebes ng gabi ni Puerto Princesa City Information Officer Richard Ligad na matapos magsagawa ng emergency meeting, naghain ng endorsement ang City Health Office kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron na mag-abiso sa pamunuan ng Cebu Pacific.

Ito ay matapos maitala ang kauna-unahang pasyente na nagpositibo sa novel coronavirus o 2019-nCoV sa Pilipinas.

Biyernes ng umaga inaasahang maihahatid ang sulat sa pamunuan ng Cebu Pacific.

May direct flight mula Puerto Princesa patungong Hong Kong at balikan tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo.