Cellphone technician patay sa pamamaril sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2020 04:45 AM | Updated as of Dec 30 2020 07:31 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang isang 29 anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Sta. Cruz, Maynila nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jude Portez, residente sa Felix Huertas Road at isang cellphone technician.

Ayon kay Kagawad Sonia Anzures ng Barangay 331, nakarinig sila ng isang malakas na putok bandang alas-9 ng gabi.

Isang lalaki na nakahandusay sa kanto ng Tayuman at Dapdap St. ang tumambad sa kanila.

Tama ng bala sa ulo ang agad ikinamatay ng biktima.

Wala naman umano siyang naikuwentong kaalitan, ayon sa amang si Edwin Portez kaya ikinagulat na lang nila ang nangyari.

Nangangalap naman ng testigo ang pulisya para sa imbestigasyon ng suspek at motibo sa pagpatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.