Estudyante sa CDO, nabaril ng kaklase

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2020 02:01 AM

Sugatan ang isang 13 anyos na estudyante sa isang pribadong paaralan matapos aksidenteng mabaril ng kanyang kaklase Huwebes ng umaga sa Cagayan de Oro.

Ayon sa hepe ng Macasandig Police na si Police Maj. Duyle Vembu Buenaflor, daplis lang ang natamo ng biktima na agad na dinala sa ospital at nasa maayos nang kundisyon.

Sa kanilang imbestigasyon nagkaroon ng role play ang mga estudyante at kailangan nilang magdala ng baril bilang props pero totoong baril pala ang nabitbit ng bata.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente. -Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.