Tumatakbong konsehal ng bayan, patay sa buy-bust

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 03:33 PM

Nakatunog umano ang suspek na mga pulis ang kaniyang katransaksiyon kaya nagpaputok ito ng baril. Karren Canon, ABS-CBN News

PILAR, Sorsogon – Patay ang 55 anyos na tumatakbong konsehal ng bayan sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Binanuahan dito sa bayan, Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Ray Anthony Villanueva, nagpaputok ng baril si Roy Lumbao matapos na malamang mga pulis ang kaniyang katransaksiyon sa loob ng mismong compound ng bahay niya.

Naisugod pa sa ospital si Lumbao pero binawian din ng buhay.

Ika-8 sa provincial target list ng pulisya sa Sorsogon si Lumbao, isang dating barangay kapitan, dahil sa pagbebenta umano nito ng droga.

Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag ang kaniyang pamilya sa pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.