Pulis sugatan sa pananambang sa Zamboanga Sibugay

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 04:54 PM

Sugatan ang isang pulis nang tambangan ng mga 'di pa kilalang salarin sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay, Huwebes.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kadarating lang ni Senior Insp. Yashier Abdulla Sarikin sa kaniyang bahay nang lapitan ng mga lalaking lulan ng motorsiklo ang kaniyang van at saka siya pinagbabaril.

Nakaganti ng putok si Sarikin kaya tumakas agad ang mga salarin, sabi ng mga pulis.

Nagtamo ng mga sugat sa noo at kamay si Sarikin na agad namang dinala sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.