Pulis sugatan sa pamamaril sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 07:19 PM

Sugatan ang isang pulis sa Zamboanga Sibugay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa bayan ng Ipil nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Senior Insp. Yashier Sarikin, ng Zamboanga Sibugay Provincial Police, na nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang daliri at kilay matapos pagbabarilin sa tapat ng kaniyang apartment.

Gumanti ng putok si Sarikin ngunit nakatakas ang mga suspek na sakay ng motor.

Patuloy na ginagamot sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital ang biktima habang tinutugis ng pulisya ang mga salarin.

--Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.