P3.4-M halaga ng ‘shabu,’ nasamsam sa Legazpi City

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 11:39 AM | Updated as of Jan 31 2019 03:22 PM

Dalawang plastic ng hinihinalang shabu na may street value na P3.4-milyon ang narekober mula sa suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Legazpi City. Karren Canon, ABS-CBN News

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 18-anyos na lalaki sa buy-bust operation kung saan nasamsam mula sa kaniya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4-milyon, Miyerkoles ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol ang suspek na residente ng Barangay San Isidro sa Pili, Camarines Sur.

Narekober mula sa kaniya ang2 plastic na naglalaman ang shabu.

Ayon sa PDEA, ang pagkakahuli sa suspek ay resulta ng sunud-sunod nilang operasyon simula pa noong nakaraang taon.

Nalaman nila ang pagkakasangkot ng suspek sa ilegal na kalakaran ng droga mula sa nahuli nila sa mga naunang operasyon.

Giit naman ng suspek na itinanim lamang ang mga nakuha sa kaniya sa operasyon.

Grade 5 lang ang inabot niya sa paga-aral at nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Mahigit P6-milyong halaga ng shabu ang narekober na ng PDEA sa kanilang operasyon sa Bicol ngayon buwan ng Enero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.