P10-M halaga ng 'shabu', nasamsam sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 08:37 AM

CEBU CITY - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P10 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cebu nitong Miyerkoles.

Sa Barangay Tinago, Cebu City, naaresto ang isang umano'y high-value target. Nakuha sa kaniyang bahay ang nasa P9 milyong halaga ng droga.

Ayon kay Senior Insp. Joemar Pomarejos, hepe ng Cebu City Police Office Station 3, inaalam pa nila kung saan galing ang droga.

Samantala, timbog ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust sa Talisay City. Nakumpiska sa 26-anyos na suspek ang tinatayang nasa P1 milyong halaga ng droga.

Ayon kay Chief Insp. Ardy Cabagnot, deputy chief ng Talisay City police, may koneksiyon umano ang suspek sa mga preso ng Talisay City Jail.

"Ang modus nila ngayon, sulat-sulat na, sino ang kukuha, sino ang mag-deliver. Kasi mahirap na makadala ng cellphone sa loob. May mga pangalan na kami, we'll verify pa," aniya.

-- ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.