Mag-asawa timbog sa droga sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 10:24 PM

MAYNILA - Arestado ang isang mag-asawang source umano ng droga sa Anonas, Quezon City nitong Huwebes.

Naaresto ang mag-asawang sina alyas Matt at Jane na nabilhan ng tinatayang P60,000 na halaga ng shabu sa isang fast food chain. 

Ayon kay Supt. Cipriano Galanida, hepe ng Anonas Police Station, una silang nagsagawa ng buy-bust operation sa Barangay UP Campus kung saan tatlo ang naaresto.

Nabilhan sila ng dalawang sachet ng shabu at nakuhanan pa ng ilang sachet na may halagang higit P30,000 sa kabuuan.

Ayon kay Galanida, pinangalanan ng mga suspek ang kanilang source kaya't nagsagawa agad ng follow up operation ang mga pulis.

Inamin ng mag-asawa na ilang buwan na rin silang nagbebenta ng drugs para ma-ipangtustos sa kanilang 2-buwang gulang na anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.