Bangkay ng magsasaka natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Isabela

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 10:22 PM

DELFIN ALBANO, Isabela—Natagpuang palutang-lutang ang bangkay ng isang magsasaka sa ilog ng Barangay Ragan Almacen sa bayan na ito Huwebes ng umaga.

Nakita ng isang mangingisda ang bangkay na agad naman ipinagbigay alam sa awtoridad.

Nakilala ang bangkay na si Dionisio Rempillo, 48, at residente ng Barangay Andarayan.

Inaalam kung ano ang dahilan ng kaniyang pagkamatay lalo’t nakatali patalikod ang mga kamay at paa nito habang may kung anumang pabigat na nakadikit din sa kaniyang katawan.

Sa inisyal din na imbestigasyon, kinakitaan ng mga pasa sa likod ang magsasaka.

Naiuwi na ang mga labi sa kaniyang pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.