3 'tulak' timbog sa Dapitan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 02:30 AM

DAPITAN CITY - Arestado ang 3 lalaki sa magkasunod na buy-bust operation sa Dapitan City nitong Martes.

Balik-kulungan sina Val Redoble, Rommel Obido, at Franklin Corporal. Dati silang nakulong sa parehong kaso pero nakalaya noong 2018 dahil sa plea bargain agreement.

Unang nahuli si Redoble sa Barangay San Vicente matapos makuhanan ng P500 halaga ng droga. Timbog naman sa follow-up operation sina Obido at Corporal.

Ayon kay Supt. Jonathan Yabo, hepe ng Dapitan Police Station, magkakakilala ang 3 at iisa lang ang pinagkukunan ng droga.

Mahaharap ang mga suspek ulit sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Dynah Diestro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.