15 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Marikina

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2019 10:53 PM

MAYNILA - Natupok ang walong bahay na tinitirahan ng 15 pamilya sa Barangay Tumana, Marikina City nitong Huwebes.

Ayon kay Fire Insp. Jose Pribaldo, chief of operations ng Bureau of Fire Protection-Marikina, nagsimula ang sunog alas-8:34 ng gabi sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Reynaldo Araja.

Umabot ito sa ikalawang alarma at naapula alas-9:04 ng gabi.

Ayon kay Pribaldo, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ukol sa sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.