Sugatang balyena, natagpuan sa Puerto Princesa

Diana Lat, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 10:27 AM

Photo courtesy: Wheng Galliardo

PUERTO PRINCESA - Isang sugatang balyena ang natagpuan sa baybayin ng Purok Mangingisda sa Barangay Langogan, Miyerkoles.

Ayon kay Kagawad Ramil Pelone ng Barangay Langogan, natagpuan ang naturang balyena sa batuhang parte ng lugar, mag aalas-7 umaga.

May sukat itong tinatayang aabot sa 12 talampakan.

Nagtamo ito ng sugat sa ulo at palikpik.

Kasalukuyan namang papunta ang Palawan Council for Sustainable Development at mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources sa lugar upang gamutin at matignan ang naturang balyena.

Photo courtesy: Wheng Galliardo
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.