Mga 'bakwit' sa Albay, bibigyan ng trabaho

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 05:22 PM | Updated as of Jan 31 2018 05:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naglunsad ng programa ang Department of Labor and Employment 
(DOLE) para tulungang kumita ang mga residente ng Albay na lumikas dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Napapailalim ito sa programang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng DOLE.

Sa ilalim ng TUPAD program, kikita ang bawat evacuee, o 'bakwit,' ng P290 kada araw o kabuuang P2,900 sa loob ng sampung araw na minimum na pagtatrabaho.

Sa evacuation center sa Bagumbayan Central School sa Legazpi City, isa lang sa bawat miyembro ng pamilya ang pinapayagang makapag-apply upang mabigyan ng pagkakataon lahat na kumita.

Pagwawalis, pagtatanim, at pagpapanatili ng kalinisan ang magiging pangunahing trabaho ng mga bakwit sa evacuation center.

Naglaan ang DOLE ng P10 milyon para sa naturang emergency employment.

--Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.