1 patay, sa pagguho ng lupa sa construction site sa Occidental Mindoro

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 07:53 PM

Patay ang isang trabahador habang sugatan ang isa pa sa pagguho ng lupa sa isang construction site sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro Martes.

Kinilala ang namatay na si Jonel Estelloso, 30, habang si Arvin Brobo, 24, naman ang nasugatan.

Batay sa imbestigasyon, naghuhukay umano para sa haligi ng itinatayong gusali sa loob ng Occidental Mindoro State College ang mga biktima nang gumuho ang bahagi ng lupa.

Natabunan ng lupa sina Estelloso at Brobo na agad rin namang nahukay ng mga awtoridad makalipas ang ilang minuto.

Nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Brobo, samanatalang idineklara namang dead on arrival sa ospital si Estelloso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.