MANILA – Inaasahang bibisita sa France si Pangulong Bongbong Marcos sa France bago matapos ang June 2023. Ito ang inihayag ni French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz kamakailan.
Ayon sa French envoy, tinanggap na ng Malacañang imbitasyon ni French President Emmanuel Macron upang matuloy ang state visit ni Marcos Jr. sa kalagitnaan ng taon.
Si President Ferdinand R. Marcos Jr. (kanan) at French President Emmanuel Macron (kaliwa) sa kanilang pagkikita sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Bangkok, Thailand noong November 18, 2022. (Photo courtesy of the Office of the President)
Kasalukuyan nang pinaplantsa ng Paris at Manila ang mga maaring pirmahang kasunduan tungkol sa creative industries, film co-production, information communications technology (ICT), at iba pa.
Ang high-level political consultation ay nakatakda sa March 8 upang planuhin ang iba pang kasunduang maaring mapag-usapan ng dalawang lider.
Sabi ni Ambassador Boccoz, sesentro ang mga usapin sa food security, energy, maritime security, climate change, at biodiversity, kasama ang people-to-people ties.
Anya, interasado ang France na mamagitan sa Filipino at French investors.
“There’s a lot of interest so we hope that we might have more concrete plans before the time of the visit,” dagdag ni Boccoz.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europe, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.