Owner-type jeep, nasunog sa Legazpi City

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2021 03:46 PM

Electrical problem ang nakikita umanong dahilan sa pagkasunog ng isang owner-type jeep na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Barangay Cabangan West sa Legazpi City. Larawan mula kay Noris Mingoy

Isang owner-type jeep na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Barangay Cabangan West, Legazpi City ang nasunog, Sabado ng umaga.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Legazpi City Fire Marshal Jerickson Miraflor, electrical problem ang nakikita nilang sanhi ng sunog lalo pa't bago ang insidente ay naabisuhan na ang may-ari ng sasakyan ng mekaniko nito na posibleng masunog ang behikulo.
 
Dahil dito, muling nagpaalala ang BFP na siguruhing nasa mabuting kondisyon ang mga sasakyan bago gamitin o bilhin para maiwasan ang katulad na insidente. 

Ito na ang ika-limang beses na may nasunog na sasakyan sa Albay ngayong buwan lang. 

— Ulat ni Karren Canon, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.