Lalaki, patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 12:57 AM | Updated as of Jan 30 2020 08:14 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay Miyerkoles ng gabi sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Batay sa paunang ulat ng pulis, alas-6 ng gabi nang pagbabarilin ang biktimang si Rey Laborado, 30 anyos. 

Pinasok ng 4 na hindi pa nakikilalang lalaki ang bahay ng biktima at doon pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay. 

Nakalap sa pinangyarihan ng krimen ang 5 basyo ng bala.

Inaalam pa ang motibo sa likod ng pamamaril.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.