Ginang na nagnakaw umano sa tindahan pinagbabaril sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 12:24 PM

Naglalakad lang sa kalsada ang biktima nang biglang tabihan ng motorsiklo at doon siya binaril ng sakay nito. Photo Courtesy: Negros Oriental Police Provincial Office

BAYAWAN CITY, Negros Oriental — Patay ang isang 53 anyos na babae matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Poblacion sa bayan na ito nitong Huwebes ng umaga. 

Kinilala ang biktima na si Gina Parojinog. 

Ayon kay Police Chief Mtr. Sgt. Edilberto Euraba ng Bayawan Police, naglalakad lang sa kalsada ang biktima nang biglang tabihan ng motorsiklo at doon siya binaril ng sakay nito. 

Sangkot umano si Parojinog sa insidente ng pagnanakaw sa isang tindahan sa Sta. Catalina, Negros Oriental. Gayunpaman, hindi pa tiyak kung iyon nga ang motibo sa pagpatay. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari. 

-- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.