Barangay chairman patay sa pamamaril sa Agusan del Norte

Rex Gaitano, ABS-CBN NEWS

Posted at Jan 30 2020 08:24 PM

CABADBARAN, Agusan del Norte - Patay ang isang barangay chairman matapos siya pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin sa Barangay Bayabas sa lungsod na ito Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Nelson Mata, 49.

Sa imbestigasyon ng Cabadbaran Police, nakaupo sa harap ng isang tindahan ang biktima nang pagbabarilin siya ng isang lalaki gamit ang isang kalibre .9mm na baril.

Agad tumakas sa hindi pa matiyak na direksyon ang gunman sakay ang isang motorsiklo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kaso upang malaman ang motibo ng pamamaril. 

Ayon sa pulisya, may person of interest na sila sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.