#WalangPasok: Klase sa Baguio City, suspendido para sa Panagbenga, Chinese New Year

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 10:02 PM

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang klase sa mga piling araw sa buwan ng Pebrero at Marso.

Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Pebrero 6 para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Suspendido rin ang klase sa elementarya hanggang senior high school sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Pebrero 1 para sa pagbubukas ng taunang Panagbenga Festival.

Gayundin, walang pasok sa mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad sa Marso 2 para sa "grand street parade" na bahagi pa rin ng Panagbenga.

Ipagdiriwang ng lungsod ang ika-24 na Panagbenga mula Pebrero 1 hanggang Marso 10.