'Tulak' arestado sa buy-bust sa Iligan City

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2019 05:23 PM | Updated as of Jan 30 2019 05:24 PM

ILIGAN CITY — Naaresto Martes ng gabi sa lungsod na ito ang isang babaeng hinihinalang nagtutulak ng ilegal na droga, ayon sa pulisya.

Nahuli sa buy-bust operation ang suspek na nakuhanan ng tinatayang 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P120,000.

Bahagi ng drug watch-list ang suspek at madiskarte noon sa pagtakas sa mga pulis, ayon kay Senior Insp. Ivan Pantaran ng Iligan police.

"'Pag alam niyang may pulis, nawawala siya agad," sabi ni Pantaran.

Sa Marawi City raw nakukuha ng suspek ang suplay ng drogang ibinebenta.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

-- Ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.